16 katao, sugatan dahil sa kemikal na sinaboy sa isang mall sa San Francisco

Manila, Philippines – Aabot sa 16 ang nasugatan matapos ang pagsaboy ng isang kemikal sa shopping mall sa San Francisco.
 
Karamihan sa mga biktima ay nakaranas ng pananakit ng mata dahil sa pepper spray na isinaboy ng hindi kilalang suspek.
 
Ayon kay San Francisco Police Capt. Mark Osuna, isang dalagita ang bigla na lamang nagsaboy ng kemikal sa ere.
 
Hindi naman pinalikas ang mga tao sa mall dahil sa karamihan sa mga puwesto doon ay sarado pa.

Facebook Comments