Glucose monitoring device na hindi na kailangan tusukin ang daliri ng pasyente, naimbento

Posibleng mapagaan ang buhay ng mga diabetic matapos maimbento ng limang estudyante sa Egypt ang isang glucose monitoring device na hindi na kailangang tusukin at paduguin ang daliri para makakuha ng reading.

Sinabing hindi na makararamdam pa ng sakit sa pagtusok ang isang diabetic para malaman ang kaniyang blood sugar dahil kailangan lamang isuot sa daliri ang makabagong monitoring device na naimbento.

Gumagamit ng near-infrared spectroscopy ang aparato at nakakabit ito sa isang mobile app kaya mas madali na ang pag-monitor ng blood sugar.


Nanalo ang imbensiyon ng limang estudyante sa isang prestihiyosong kompetisyon sa Amerika.

Gayunman, hindi pa mabibili ang naturang disenyo at kailangan pang sumailalim sa mga pagsusuri para matiyak ang accuracy ng device.

Posible namang malaking pagbabago ang maibibigay ng aparato sa buhay ng milyon-milyong diabetics sa buong mundo.

Facebook Comments