Ginawa ni Diaz ang pahayag matapos ang kinasangkutang isyu ng kooperatiba at maungkat pagkaraan na mapatay sa pananambang ng riding-in-tandem criminals ang dating Audit Manager na si Agnes Cabauatan-Palce.
Ayon pa kay Diaz, hindi makatwiran na sa loob lamang ng ISELCO-2 iprinesenta ang financial audit report na sana’y alam din ng mga member-consumer ang nagiging takbo ng electric cooperative.
Kaugnay nito, inihalimbawa ni Diaz ang usapin sa ‘reserve fund’ kung saan mayroong P173 milyon negative at sinasabing mayroon ding ‘unpaid interest on share capital’ na P30 milyon.
Napag-alaman umano na mayroon namang share capital ang mga member-consumer na P165 milyon ngunit P10 milyon lang umano ang idineklara ng kooperatiba sa kanilang financial report.
Hiling ng opisyal na kailangang masagot ang ilang alegasyong ipinupukol kay Siquian para maibalik ang nawalang tiwala at kumpiyansa ng mga member-consumer sa pamumuno nito.
Para kay Diaz, panahon na para bumaba sa pwesto si Siquian para sa interes ng kooperatiba.
Sinasabing ito ang pulso ng Ilagueño na hindi na dapat nito pamunuan ang kooperatiba.
Sa huli, binalaan ni Diaz si Siquian na kung hindi kinokonsidera ang kanyang panawagan na bumaba sa pwesto ay harapin nito ang kaukulang aksyon sa korte.