GMA 7 iniimbestigahan ang kawalan ng medical team sa taping ni Eddie Garcia

144
File photo

Muling naglabas ng pahayag ang GMA Network tungkol sa sinapit ni Eddie Garcia habang nagtataping para sa kanilang upcoming drama series.

Ayon sa pamunuan ng GMA 7, kasalukuyang iniimbestigahan kung bakit walang standby medical team sa shooting ng Rosang Agimat nitong Sabado.

It has been the Network’s practice to have medical personnel and ambulance crew on standby whenever the production is executing big action scenes during taping. This has been likewise the practice of other GMA programs. Given this, we are currently investigating the absence of a medical team on the set last Saturday, June 8.”

“GMA Network is deeply saddened with what happened to Mr. Eddie Garcia and the management is committed to getting to the bottom of this unfortunate incident.”

Sa ngayon, sinisiyasat at pinag-aaralan ng management ang puno’t dulot ng insidente.

Nitong Linggo, nilinaw ng doktor ni Garcia na hindi ito inatake sa puso bagkus nagtamo siya ng severe cervical fracture. Ayon sa kaibigan ni Manoy na si Bibeth Orteza, napatid ito sa kable ng production team at tuluyang bumagsak. 

 

Facebook Comments

From Advertisers