Jason Abalos, pinagtanggol ang gf na si Vickie Rushton sa mga batikos

Image via Instagram/Vickie Rushton

Ipinagtanggol ni Jason Abalos ang girlfriend na si Vickie Rushton sa mga bumatikos na netizens sa kaniyang naging sagot sa Question and Answer portion ng Binibining Pilipinas Coronation Night 2019.

Ayon kay Rushton, na-mental block siya sa naging sagot nang ma-distract ito sa audience.

Dagdag niya, may tumayo pa at nag-‘make face’ sa kaniya.


View this post on Instagram

ᜋᜑᜎ᜔ ᜃᜓ ᜈ ᜊᜊ #tb #baybayin

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos) on

Sa isang komento sa Instagram, sinabi ng isang netizen na ‘overrated’ at sponsor’s favorite lamang si Rushton.

“Overrated, she’s just sponsors’ favorite. Lol, the question she got for Q&A was even bias because her advocacy is mental health yet she didn’t answer well. Maybe Ms. U isn’t really for her. #JustSaying” sabi ng isang netizen na nag-komento.

Sumagot naman si Abalos ng, “sali ka cheer kami for you :)”

Ani ni Abalos, lahat ng bagay napapansin ni Rushton maski pagkain na parang baboy sa mesa.

“Pero tapos na, guys. Okay na ‘yan. Happy ang lahat ng candidates sa naging experience nila. Marami silang natutunan matuto na rin tayong rumespeto ng ibang tao,” dagdag niya.

Marami ring kapwa celebrities ang nagpahayag ng suporta kay Rushton at sinabing proud pa rin ito sa kaniya katulad nila Alex Gonzaga at Ruffa Gutierrez.

Facebook Comments