GMEA: Straight to the Point nanalo sa Best Public Affairs Story of the Year

CEBU CITY – Nanalo ang Straight to the Point (STP) program ng DYHB RMN Bacolod bilang Best Public Affairs Story of the Year For Radio ng Globe Media Excellence Award 2017.

Host ng Straight to the Point program ng DYHB sina RadyoMan Jeony Bigay (Station Manager) at Serge Santillan (Program Director) kung saan ang kanilang entry hinggil sa talakayan nito sa nangyaring pagkamatay ng ina at kambal na sanggol dahil umano sa kapabayaan ng mga doktor at nurses sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital. Ang naturang nangyari ay nakakuha ng magkahalong reaksyon sa mga tagapakinig at kahit sa social media matapos na nagpaliwanag rin ng kabilang side ang ospital sa pamamagitan ni Dr. Julius Drilon, ang Hospital Chief.

Ang recognition night ay ginanap sa Radisson Blu Hotel sa Cebu City kaugnay naman sa Cebu Press Freedom Week.


Maliban sa STP, naging finalist din sa kategoryang Best Reporter of the Year sina RadyoMan Larry Trinidad at Jean Paul Generoso at pasok sa Top 3 si Albert Giner. Sa taong ito pinarangalan si RadyoMan Joel Franco ng RMN Iloilo.

Ang STP sa Bacolod ay naging recipient na rin ng 2016 KBP Golden Dove Award bilang Best Public Affairs Program.

Facebook Comments