Ikakasal, NAGMAKAAWA PA, Sinaksak sa Dibdib, Patay.

Hindi na umabot sa Bicol Medical Center ang binatang sinaksak ng hindi pa nakikilang mga suspects sa kahabaan ng Dayangdang Road, Brgy. Dayangdang, Naga City kamakalawa ng madaling araw. Nakilala ang biktima na isang Kenneth John Yee, 21 years old, binata, at resident ng Brgy. Haring, Canaman, Camarines Sur. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas 4 ng madaling araw kamakalawa, naglalakad umano sa kahabaan ng Dayangdang Road si Kenneth John Yee, kasama ang pinsan, nang lapitan sila ng grupong nasa 4-5 katao, at isa sa mga ito ang umunday ng saksak sa biktima. Dalawang saksak ng ice pick ang tumama sa dibdib ng biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay. Sinubukan pang dalhin sa BMC si Kenneth, subalit hindi na naagapan pa ang kanyang buhay. May CCTV naman malapit sa pinangyarihan ng insidente subalit napag-alamang hindi naman pala ito gumagana kaya walang nakuhang video footage ng krimen. Sa social media account ng kamag-anak ng biktima “Grabi man ginibo sa tugang mau man kalaban laban 7 daa sinda binugbog lng kuta. Binuhay mn lamang kuta ta ikakasal naman nagmakahirak na ngani sinaksak panindo ,.. marhy matitibay talaga kmo sa daeng laban” from fb post of Ermano Ko Neth. Isang fb account din – Nikki Reed, pinaniniwalaang kasintahan ni Kenneth ang nag post ng: “Babaaaaa 😞 I miss you. Mayong naeexcite na mauli ako 😞 mayong nagpipirit na sunduon ako sa airport 😞 mayong nagaapod sako 😞 baby ko! Mata naman dw jan kaya!!!! 😞 😞 😞 Pinapahirapan mo man daw akong maray 😞 madayaon kang maray 😞 tano mo ako binayaan ha? 😞 😞 sb mo magurang pa kitang duwa na mgkaibahan!!!! Nkakasuya ka :((( please come back baby 😞 💔 💔 I love you very much.. ” 😞 Sa pagtalakay ng isyung ito sa Doble Pasada ng DWNX nina RadyoMan Ed Ventura & RadyoMan Grace Inocentes, marami ang nakiisa sa panawagan na sumuko na lang ang may kagagawan ng nasabing krimen. Ayon naman sa follow-up interview kay SPO2 Toby Bongon, Spokesperson ng Naga City Police Office, meron na silang sinusundan na lead at posibleng magbibigay ito ng impormasyon sa identity ng mga suspect. Abangan sa DWNX Balita sa Tanghali with RadyoMan Ed Ventura ang iba pang development tungkol sa insidenteng ito. Kasama mo sa Balita, RadyoMan Ed Ventura, RadyoMan Jun Orillosa, RadyoMan Grace Inocentes, RadyoMan Paul Santos – Tatak RMN

Facebook Comments