Nakilahok ang labintatlong Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na nanggaling sa Ilocos Region sa pinakamalaking pambansang kaganapan sa kalakalan ng taon, ang isinagawang 2022 National Trade Fair na ginanap naman sa Megatrade Halls ng SM Megamall sa Mandaluyong City.
Ito ay sa pangunguna ng Department of Trade and Industry-Bureau of Domestic Trade Promotion (DTI-BDTP), katuwang ang DTI Regional and Provincial Offices.
Tampok naman sa mga produktong hatid ng mga MSME’s ng Ilocos Region sa nagaganap na trade fair ay ang Empanada, Bangus Products, Bangus Chili Oils, Agri-tourism at herb teas, mga gamit na gawa sa Inabel, Loom Weave at Hand woven na mga produkto, Dried Mangoes at Mango Wine at ilang mga kasangkapan na gawa sa hard and ordinary wood.
Layunin ng National Trade Fair 2022 na hikayatin ang mga MSME’s sa buong bansa na makilahok sa mga kaganapang nagtataguyod ng mahusay na paggamit ng enerhiya at resources.
Samantala, ang nasabing trade fair ay sinimulan nito lamang Nobyembre 16, at magtatapos ng Nobyembre 20 sa kasalukuyang taon. |ifmnews
Facebook Comments