Manila, Philippines – Nagpahiwatig na ng interes sa paglahok sa 2019 Senatorial race ang Special Assistant to the President Secretary Bong Go kasunod nang paglulunsad ng “Ready, Get Set, Go” movement upang mahimok si Go na sumali sa darating na halalan. Hindi nakadalo sa launching si Go na dinaluhan ng mga miyembro ng Gabinete sa pangunguna ni Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano kasama sina Labor Secretary Silvestre Bello III, Trade and Industry Secretary Mon Lopez, Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Advised Hermogenes Esperon, PCOO Martin Andanar, Tourism Undersecretary Kat de Castro, Presidential Adviser Francis Tolentino, SBMA Director Benny Antiporda, Congressman Elrey Villafuerte at iba pang kilalang artista sa pinilakang tabing at maraming iba pa. Sa kabila nito, nagpaunlak naman ng tawag sa cellphone kung saan kanyang inihayag ang marubdob na pasasalamat sa kanyang mga taga-suporta at mga kapwa kasamahan sa Gabinete. Ayon kay Go, ito ang kanyang kauna-unahang pagsabak sa halalan sakaling siya ay matuloy ngunit siya ay nakiusap na bigyan muna siya ng sapat na panahon upang makapag-isip. Nagpapasalamat aniya siya sa tiwala na ibinibigay sa kanya ngunit kanyang pakiusap ay tulungan at suportahan si Pangulong Duterte upang maging tagumpay ang pamumuno sa bansa. Hindi rin aniya niya basta maiiwan ang Pangulo hanggang sa matapos ang termino nito, malliban na lamang kung siya ay mauunang sumakabilang-buhay.
GO SA SENADO | SAP Bong Go, nagsalita na sa mga nag-uudyok sa kanya na tumakbo sa 2019 senatorial race
Facebook Comments