NBA | Reigning league MVP Russell Westbrook, nakapagtala na naman ng kasaysayan

30

NBA – Naitala ni Oklahoma City Thunder at reigning league Most Valuable Player Russell Westbrook ang kaniyang ika-isang daan na career triple double. Nagawa ito ni Westbrook sa kanilang laro kontra Atlanta Hawks kung saan nanalo ang Thunder, 119-107. Nagposte si Westbrook ng 32 points, 12 rebounds at 12 assists. Si Westbrook ang ika-apat na player sa kasaysayan ng NBA na nakagawa ng career milestone na ito. Matatandaang triple double per game ang average ni Westbrook noong nakaraang season kaya niya nakuha ang MVP award.

Facebook Comments