Go Wifi, inilunsad ng Globe

Manila, Philippines – Inilunsad ngayon ng isa sa pangunahing Telecomm Company ang wifi na ma-access sa mga pampublikong lugar.

Tatlong araw na libreng trial ng Go Wifi ng Globe telecoms ang pwedeng subukan sa sampung libong access points sa buong bansa.

Ilan sa mga lugar na kasama rito ay mga malls, coffee chains, convenience stores, transport hubs, schools, hospitals at iba pang lokasyon.


Inaasahang sa pamamagitan nito ay mabilis nang makakapag-update ang mga users sa kani-kanilang social media accounts, makakapgpadala ng e-mails, makakapanood ng videos, at makakapag-download ng files.

Para ma-enjoy ang libreng internet, kailangan lang ng mga customers na maka-connect sa *@gowifi_auto network*, at hintayin ang gowifi auto portal saka mag-sign up ng iyong mobile number.

Ang libreng 3 day trial promo ay magagamit hanggang August 31, 2017.

Facebook Comments