Pinakamahal na coloring book, nakatadang ilabas ngayon sa United Kingdom

United Kingdom – Isang sampung pahinang coloring book ang nakatadang ibenta ngayon ng kilalang illustrator na si Ian Beck.

Ang nasabing coloring book ay nagkakahalaga ng $30,850.00 o katumbas ng P1,559,000.00 kung saan tinagurian itong “World’s Most Luxurious Coloring Book”.

Kakaiba din ang style ni Ian dahil kaniya lamang iguguhit ang nais ng kliyente sa gusto nitong feature sa coloring book at pagsasama-samahin niya ito gamit ang 100 percent leather cover.


Ang pangalan naman ng kliyente ay naka-embroid gamit ang 24-carat gold foil.

Maari nang umorder ang sinumang may gusto ng sarili nilang coloring book via-online.

Facebook Comments