GOALS | Margielyn Didal, target na makasungkit ng gintong medalya sa 2020 Olympics

75

Target ng Asian Games gold medalist na si Margielyn Didal na masungkit rin ng gintong medalya sa skateboarding sa 2020 Olympics na gagawin sa Tokyo, Japan.

Ayon kay Philippine Skateboarding Association President Monty Mondegoria, positibo siyang makukuha din ni Didal ang ginto sa 2020 Olympics.

Kuwento ni Didal, kumukupit pa siya ng P50 sa kanilang tindahan para lang makarenta ng skateboard noong siya ay 12 taon gulang.

Aniya, pagse-skateboard ang naging daan para kalimutan ang mga problema sa buhay.

Nasa P6 milyon na premyo ang nag-aantay kay Didal na gagamitin aniya nila sa pagtatayo ng negosyo.

Hinahangad din ni Didal na mapatayo ang ipinangakong skate park sa lungsod ng Cebu.

Facebook Comments