Gobernador Mamba, Itinanggi ang isyu ng Pagmimina sa Aparri,Cagayan!

*Cagayan Province*- Itinanggi ni Governor Manuel Mamba ang alegasyon sa isyu ng pinaghihinalaang operasyon ng BlackSand Mining sa Bayan ng Appari, Cagayan.

Kasabay ito ng kanyang naging talumpati matapos na pormal na manumpa kahapon sa kanyang ikalawang termino bilang Gobernador.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa talumpati ng Gobernador, tiniyak nito na ang nasabing operasyon ay pawang dredging lamang o proseso upang mapalalim ang ilog cagayan na siya namang kinakailangan upang muling mabuksan ang daungan ng Aparri.


Dagdag pa ng Gobernador na walang separator na may operasyon ang mga naturang barko.

Nanindigan din si Mamba na handa niyang itaya ang kanyang pangalan sakaling mapatunayan na may pagmimina sa nasabing bayan.

Facebook Comments