Gobernador ng Cagayan, Humingi na ng Saklolo para sa mga Biktima ng Pagbaha

Cauayan City, Isabela- Humihingi na ng saklolo si Cagayan Governor Manuel Mamba para sa lahat ng mga nais maghatid ng tulong sa probinsya.

Ayon kay Gov. Mamba, libo-libong pamilya na ang apektado ngayon ng malawakang pagbaha kung saan 26 bayan na sa Lalawigan ang nalubog sa baha.

Nananawagan ito sa mga gustong magpadala ng tulong gaya ng pagkain, tubig, mga damit o anumang donasyon o relief goods na ipadala lamang sa Kapitolyo sa Tuguegarao City.


Marami pa rin kasi sa kasalukuyan ang humihingi ng tulong at rescue na tinutugunan na rin ng mga dumating na rescuers mula sa iba’t – ibang ahensya ng pamahalaan na galing pa sa ibang rehiyon.

Samantala, inihayag naman ni Mayor Jeff Soriano ng Tuguegarao City na hindi pa kumpirmado ang mga kumakalat na impormasyon na marami nang nalunod at nagsilutang na bangkay sa Lungsod.

Sa kasalukuyan,dalawa (2) pa lamang ang naitatalang namatay sa baha sa syudad ng Tuguegarao na kinabibilangan ng isang (1) rescue member ng BFAR.

Facebook Comments