GOBERNADOR NG PANGASINAN IPINANAWAGAN ANG PAGKAKAISA BUNSOD NG NARARANASANG PANDEMYA

Nanawagan si Governor Amado I Espino III sa mga Pangasinense ng pagkakaisa sa kabila ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19 at agad na makarekober ang lalawigan mula sa epekto ng pandemya.

Ito ang mensahe ng gobernador sa isinagawang Abig Karaban sa bayan ng Bayambang.
Ayon kay Governor Espino, kailangan niya umano ng tulong ng bawat isa sapagkat hindi nito kayang bantayan ang buong lalawigan.

Ang Pagpapaalala umano sa pamilya ay malaking tulong na upang unti-unting mawakasan ang pandemya.


Hinikayat ng gobernador na tangkilikin ang mga programa ng provincial government gaya ng Abig Laman ed Barangay upang mamonitor ang kanilang mga kalusugan sa gitna ng pandemya.

Samantala, magpapatuloy ang programa ng pamahalaan sa pag-iikot sa mga barangay sa lalawigan upang matulungan ang mga Pangasinense sa kabila ng pandemya.

Facebook Comments