WALONG BUWANG GULANG NA SANGGOL SA MANGALDAN, PATAY SA COVID-19

39

MANGALDAN, PANGASINAN – Isang walong buwang gulang na sanggol sa bayan ng Mangaldan ang nasawi sa COVID-19 ayon sa inilabas na ulat ng IATF Mangaldan.

Batay sa ulat ng IATF Mangaldan, ang pasyente ay isang babaeng sanggol na mula sa Barangay Bateng na na-admit mula sa community hospital dahil sa pneumonia ngunit kalaunay nasawi.


Ang pasyente ay agad na icrinemate alinsunod sa IATF protocol.
Kabilang ang pasyente sa limang bagong kaso na naitala sa bayan kahapon.

Dahil dito, 37 na ang nasawi sa covid19 sa bayan, 308 ang gumaling mula sa kabuuang 372 na kabuuang kaso.

Facebook Comments