Umapela si Gobernador Ramon V. Guico III para sa mapayapa, ligtas at maayos na pagsasagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre atrenta.
Muling iginiit ng gobernador ang kanyang panawagan, na nagsasaad na ang mga kandidato ay dapat maging patas sa panahon halalan kung saan aniya, huwag na lang idamay ang krimen at karahasan.
Ang panawagan ng gobernador para sa pagkakaisa sa mga tao sa Pangasinan ay nauna nang ipinaabot sa lahat ng mga lokal na punong ehekutibo sa lalawigan.
Matatandaan kanyang inihayag ang kanyang kalungkutan nang maganap ang isang pamamaril sa isang tumatakbong kapitan sa Brgy. Bayaoas sa bayan ng Aguilar, Pangasinan.
Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat ang gobernador sa kapulisan sa kanilang pangako sa serbisyo na naging dahilan ng pagkahuli ng mga suspek sa likod ng pagpatay kay Arnel Adolfo Flormata.
Inihayag din ni PNP Provincial Director Jeff Fanged at ni Gov. Guico na sa loob ng 48 oras ay nahuli na agad ang mga sangkot.
Nagpaabot din ng tulong pinansyal ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa naiwang pamilya ng kandidato.
Si Jacquelyn Flormata, asawa ng napatay na kandidato, ay naghain ng kanyang kandidatura noong Oktubre 25 bilang kapalit ng kanyang yumaong asawa sa BSKE. |ifmnews
Facebook Comments