DAGSA NG MGA TAONG NAGSISI-UWIAN SA PANGASINAN, UMPISA NA PARA SA MAGAGANAP NA LONG WEEKEND

Umpisa noong araw ng Sabado ang dagsa ng mga taong nagsisi-uwian mula sa kani-kanilang mga lugar na pinagtatrabahuan upang makilahok sa Barangay at Sangguniang Kabataan at UNDAS 2023.
Ayon sa ilang mga konduktor ng bus companies sa Dagupan City, mangilan ngilan na raw ang bumabyahe kahapon at inaasahan na ang pinaka-peak o dagsa ng mga uuwi ay bandang gabi sa araw ng Linggo.
Ang mga nauna nang bumyahe kahapon ay nais daw maiwasan ang siksikan dahil tiyak na dadagsain ang mga pampasaherong bus pauwi mamayang gabi.

Tiniyak naman ng mga kawani ng bus companies bago pa ang long weekend ay umpisa na nilang isinaayos at kinondisyon ang mga babyaheng pampasaherong sasakyan pauwi sa mga probinsya.
Samantala, una nang idineklarang holiday ang Oct. 30 para sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Nov. 1 at 2 para naman sa paggunita ng Undas. |ifmnews
Facebook Comments