Gobernador ng Quirino, Tutol sa Face-to-Face Classes; Lalawigan nananatiling COVID-19 FREE

Cauayan City, Isabela- Nangangamba si Governor Dakila Carlo ‘DAX’ Cua ng Lalawigan ng Quirino sakaling ipatupad ang face-to-face classes sa mga low risk area gaya ng probinsya sa pagbubukas ng pasukan ngayong darating na Agosto.

Ito ay matapos pumabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa kahilingan ni DepED Secretary Leonor Briones.

Ayon kay Cua, mas maigi aniya na mag-ingat kesa magkamali lalo pa’t buhay at kalusugan ng mga bata ang nakasalalay dito kung maipapatupad ang mungkahi ng Kagawaran ng Edukasyon.


Hinalimbawa din ng gobernador ang kanyang mga anak na nasa edad 10 pababa kaya’t kung maaari ay imumungkahi niya kay Pangulong Duterte na huwag ipatupad ang nauna ng kagustuhan nito.

Kinuwestiyon din niya ang DepED sa paghahalimbawang magkaroon ng positibong kaso ang lalawigan na pinagmulan ay mga bata paano aniya ang gagawin ng DepED para sa pagsasailalim sa quarantine sa mga bata lalo pa’t hindi maaaring maihiwalay ang mga ito sa kanilang magulang.

Samantala, patuloy naman ang ugnayan ng Provincial Government sa DICT at DepED para sa napipintong pagkakaroon ng dagdag na signal ngayong hirap ang lalawigan dahil sa napapalibutang bulubundukin ang malaking bahagi nito.

Nananatili pa rin na COVID-19 Free ang Lalawigan ng Quirino sa mga nakalipas na buwan.

Facebook Comments