Gobernador sa Negros Oriental, nanawagan sa publiko na suportahan ang Pangulong Duterte

Negros Oriental, Philippines – Nanawagan ang Gobernador ng lalawigan sa publiko na susuportahan ang Pangulong Rodrigo Duderte sa mga ginagawa at mga plano nito para sa katahimikan ng bansa.

Sa panayam ng DYWC RMN kay Gobernador Roel Degamo, sinabi nito na huwag husgahan sana ang Pangulo sa kanyang pagpatupad ng martial law sa Mindanao.

Dagdag nito, hindi simple ang tungkulin ng Pangulo lalo na at naghanap ito ng paraan upang malutas ang mga suliranin sa bansa gaya ng patuloy na gulo sa Mindanao at sa ginawang gulo ng Maute sa Marawi City.


Facebook Comments