Mahigpit na seguridad sa karagatan ng Negros Oriental, ipinatututpad matapos iutos ni Pangulong Duterte

80

Negros Oriental, Philippines – Mahigpit ngayon ang seguridad ng pwersa sa pamahalaan sa lalawigan laban sa banta ng terorismo, matapos sabihin ng Pangulong Duterte na nasa sentro ng banta ang Central Visayas.

Ayon sa Pangulo malapit lang ang Dumaguete City sa Dipolog at Dapitan City na siyang posibleng gawing exit ng mga patakas na miyembro ng Maute.


Matapos nag-order ang Pangulo sa forces ng bansa na higpitan ang siguridad sa karagatan ng Negros Oriental, nagsanib pwersa na ang Philippine Navy at Philippine Army sa pagsasagawa ng patrol sa gabi.

At nagpatuloy ang profiling sa mga bakwit galing sa Marawi City.

Facebook Comments