Gobyerno, bukas sa pagsusulong ng karagdagang tariffs adjustments para mapababa ang presyo ng mga bilihin

Bukas ang pamahalaan na magsulong ng panibagong pagtatapyas sa taripa sa mga inaangkat ng produkto para mapababa pa ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ito ay matapos na maitala nitong December 2023 ang 3.9 percent ng inflation rate na pinakamababa sa taong 2023.

Sa ulat ng National Economic and Development Authority o NEDA, nakahanda ang Interagency committee on inflation and market outlook na magbigay ng mungkahi ng dagdag na tariff adjustments kung kinakailangan.


Sa harap na rin ito ng pagtaas ng international price ng bigas at inaasahang epekto ng El Niño.

Ikinatuwa naman ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang inisyung Exectutive Order No. 50 na nagpapalawig ng mas mababang taripa sa imported ng bigas, mais at karneng baboy.

Siniguro ng kalihim na patuloy na babantayan ang paggalaw ng mga presyo kasabay ng mga hakbang para maprotektahan ang purchasing power ng mga Pilipino.

Facebook Comments