𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗚𝗢 𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗦𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa dahilan ng pagpapakamatay ng isang lalaki sa pamamagitan ng pagsaboy ng gasolina sa buong katawan bago silaban ang sarili sa bayan ng Manaoag.
Napansin umano ng parking boy sa bahagi ng virgins well ang isang motor na nakapark ng matagal doon dahilan upang hanapin nito ang may-ari.
Nakita sa madamong bahagi ng lugar ang katawan ng biktima na sunog na sunog.

Samantala, nakita ng mga kapulisan sa lugar ang cellphone ng biktima kung saan ay nag video pa ito ng sarili habang ginagawa ang pagpapakamatay.
Nakikipag ugnayan na ang pnp sa mga kaanak ng biktima na napag-alamang taga-Santa Barbara kaugnay sa nasabing insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments