Gobyerno, dapat kumilos na para maiwasan ang krisis sa edukasyon kasunod ng pagkansela sa limitadong face-to-face learning

Suportado ni Committee on Basic Education Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang pagkansela sa limitadong face-to-face classes bilang pag-iingat laban sa bagong uri ng COVID-19 na kumakalat sa buong mundo.

Ngunit nagbabala si Gatchalian na posibleng maantala ang kaalaman ng mga mag-aaral at lumala ang krisis ng edukasyon sa bansa.

Upang mapigilan ito ay pinapakilos na ni Gatchalian ang pamahalaan para gawin ang lahat upang makabawi ang mga mag-aaral sa panahong nakalaan sana para sa face-to-face classes.


Kasama sa mga hakbang na inirekomenda ni Gatchalian ang pagsasagawa ng mga remedial programs.

Pinapasuri ring mabuti ni Gatchalian kung aling aspeto ng mga aralin ang kailangan tutukan at kung sinu-sinong mga mag-aaral ang dapat tutukan.

Inaasahan din ni Gatchalian na magtutuloy-tuloy ang paggamit sa iba’t ibang paraan ng pagtuturo tulad ng self-learning modules, radyo at telebisyon upang suportahan ang mga guro at mag-aaral.

Diin pa ni Gatchalian, mahalaga rin ang papel ng Alternative Learning System (ALS) upang maabot ang higit dalawang milyong mag-aaral sa K to 12 na hindi nakapag-enroll dahil sa pandemya.

Facebook Comments