Manila, Philippines – Para kay sa planong pagtake-over sa Senator Richard Gordon, makabubuti kung maghahanap ang gobyerno ng mga lokal na negosyante o korean investors na magiging kapartner operasyon ng Hanjin na nagdeklara ng pagkalugi.
Diin ni Gordon, napakahalaga ng Hanjin shipyard kaya dapat itong ipagpatuloy para makagawa ang Pilipinas ng sariling barko ng Philippine Navy.
Ang nais pa ni Gordon, magkaroon ang Philippine Navy headquarters ng headquarters sa loob ng Hanjin pero mag-oorder lang ito ng barko at hindi magpapatakbo sa kompanya.
Dagdag pa ni Gordon, dapat magkaroon talaga tayo ng maritime academy na magtuturo ng nautical engineering, nautical architecture, at naval architecture para makakagawa tayo ng sarili nating mga barko.
Ipinunto pa ni Gordon, ang pagiging ika-apat natin sa buong mundo na gumagawa ng barko ay isang magandang negosyo.