Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa gobyerno na makipagtulungan sa imbestigasyong isasagawa ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) kaugnay sa mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs.
Ayon kay Robredo – kung walang nililihim ang gobyerno ay hahayaan nilang gawin ang trabaho ng mga tauhan ng UN.
Una nang kinondena ng Malacañan ang resolusyong kinatigan ng UNHRC at tinawag itong panghihimasok sa domestic affairs ng Pilipinas.
Facebook Comments