Gobyerno, dapat may hakbang na para proteksyunan ang HCW laban sa mas delikadong variant ng COVID-19

Ngayon pa lang ay dapat may kongkretong plano na ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) para proteksyonan ang ating mga Health Care Worker (HCW) laban sa delikadong variant ng COVID-19.

Pahayag ito ni Senator Nancy Binay makaraang tamaan ng Delta variant ng COVID-19 ang 350 health care workers sa Indonesia kahit sila ay nabakunahan na.

Mungkahi ni Binay, mag-set-up na agad ang DOH ng sistema na titiyak ng agarang suporta sa lahat ng health care workers, kabilang ang mga tumanggap na ng COVID-19 vaccine.


Babala ni Binay, kapag natulad tayo sa sitwasyon sa Indonesia, ay kukulangin ang ating health workers at babagsak ang ating health care support system.

Diin ni Binay, kawawa ang health workers natin kapag ospital na mismo ang bumagsak na maglalagay rin sa peligro ng health system at sa mga mamamayan.

Facebook Comments