Guwardiya ng hospital sa Maynila, nasawi matapos barilin ng isang pasyente

Namatay na ang isang guwardiya ng Jose Reyes Memorial Medical Center matapos na barilin ng sinita nitong pasyente kagabi.

Sa impormasyon ni PLt. Col. John Guiagui, Hepe ng Manila Police District Station 3, isang tama sa dibdib ang tinamo ng biktima na si Arturo Budlong.

Sa imbestigasyon, sinita ng biktima ang pasyente na si Mark Anthony Galivo dahil sa labas pasok ito sa kuwarto.


Nabatid na na-admit noong June 19, 2021 si Galivo dahil sa nagtangka itong magpakamatay.

Ikinagalit naman ng suspek ang paninita kaya’t nang makatiyempo ay inagaw ang baril ng guwardiya saka ito pinutukan sa dibdib.

Agad naman nakatawag ng responde sa pulisya ang ospital kaya’t nagkaroon ng saglit na putukan na nagresulta sa dalawang tama ng bala sa katawan ng pasyente.

Nananatili namang nasa emergency room ang namaril na pasyente.

Facebook Comments