Manila, Philippines – Kinalampag ng ilang mga mambabatas sa oposisyon ang Pangulong Duterte na bigyang pansin naman ang ibang problema ng bansa.
Nais ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus na magising ang pamahalaan dahil sobrang obssess ito sa kampanya laban sa droga.
Panahon na aniya para tutukan naman ng Pangulo ang pagresolba sa mga pabigat sa buhay ng mga Pilipino tulad ng pagtaas ng singil sa tubig, kuryente at mga produktong petrolyo.
Binigyang diin ni De Jesus na sobrang pahirap na ang inaabot dito ng publiko pero hindi ito pinapansin ng Presidente.
Nagiging malupit na rin ang gobyerno dahil bukod sa mga dagdag na singil sa mga bayarin, hindi rin nagpapapigil ang pamahalaan sa planong dagdag na buwis sa ilalim ng tax reform bill.
Facebook Comments