Gobyerno, gagastos ng 8.5B para mapalakas ang rice resilliency program ayon sa DA

Bubuhusan na ng administrasyong Duterte ng P8.5 billion ang rice resilliency program sa bansa sa layong mapatatag ang tustos ng pagkain ng sambayanan.

Sa virtual presser ng DA, sinabi ni Agriculture secretary William Dar na kailangan nang ilatag at ilarga ang isang agresibong food security framework upang maihanda ang bansa laluna sa panahong sinubok ito dahil sa pandemya.

Ayon kay Secretary Dar, kabilang sa istratehiya ay ang pagpapataas ng produksyon ng palay mula 87 percent patungong 90 percent.


Sa ilalim ng rice resiliency program, pagkakalooban ang mga rice farmers ng mga makinarya, mga binhi, pataba.

Ito ay maliban pa sa ibibigay na mga pautang at training upang mapaunlad ang kanilang produksyon.

Ani Dar, ang pokus ng programa ay   pagpapatupad ng Plant, Plant, Plant strategy.

Nilinaw ng kalihim na hindi lamang pagtatanim ang sentro ng programa kundi palalakasin din ang industriya ng paghahaypan at pangisdaan.

Facebook Comments