Gobyerno, gumagawa ng national strategy para matigil na ang paulit-ulit na harassment ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea

Gumagawa ngayon ang pamahalaan ng national strategy sa pag-asang matatapos na ang pangha-harass ng Chinese Coast Guard (CCG) at militia vessels sa bahagi ng territorial waters ng Pilipinas.

Sa Malacañang briefing, sinabi ni National Security Adviser Assistant Director General Jonathan Malaya na inihahanda na nila ito at irerekomenda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Subject for approval ayon kay Malaya ang proposed national strategy na ipatutupad kung magugustuhan at bibigyan ng go signal ng presidente.


Kaugnay nito’y inihayag ni Malaya na isang deep concern Kay Pangulong Marcos Jr., ang pinakahuling insidente ng harassment ng Chinese Coast Guard (CCG) at Chinese militia vessels na naganap nitong weekend sa Ayungin Shoal at sa Bajo de Masinloc.

Serious escalation aniya ang nalikha ng insidente na maliban sa pambobomba ng water canon ay nasira pa sa isang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos na ito’y banggain.

Facebook Comments