Mga Pinoy na nailikas mula Sudan, umaabot na sa 833

Umaabot na sa 833 mga Pilipino na ang nailikas mula sa Sudan.

Sa harap ito ng kaguluhan sa nasabing bansa.

Ayon sa Philippine Embassy sa Egypt, karamihan sa mga inilikas ay nakauwi ng Pilipinas matapos dumaan sa Aswan at Cairo sa Egypt.


Habang ang iba naman ay tumawid mula Port Sudan patungong Jeddah at Riyadh sa Saudi Arabia.

Sa ngayon, may mga inaayos pang repatriation flights ang Philippine Embassy mula Port Sudan patungo ng Cairo at Manila para mapauwi ng Pilipinas ngayong Disyembre ang iba pang mga Pinoy na naiipit sa kaguluhan sa Sudan.

Facebook Comments