Gobyerno – handang harapin sa Korte Suprema ang mga kumukwesyon sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Handa ang Gobyerno na harapin ang mga bumabatikos sa ginawang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na martial law sa Mindanao.
Kasunod na rin ito ng hakbang ng ilang Muslim Lawyers na magpetisyon sa Korte Suprema para mapawalang-bisa ang martial law declaration.
Sa press conference sa Davao City – sinabi ni Solicitor General Jose Calida – may karapatan ang sinuman na kwestyunin ang umiiral na martial law.
Kasabay nito, ipinagtanggol ni Calida ang pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng batas militar.
Aniya, ang karahasang ginawa ng Maute group sa Marawi City ay sapat na basehan sa pagdedeklara ng pangulo ng batas militar sa rehiyon.
Bilang mamamayan, sinabi ni Calida na magtiwala lamang ang publiko sa kakayahan ng pangulo na tapusin ang kaguluhan sa Mindanao.
Samantala, kinumpirma ni Calida na kabilang ang ilang foreign terrorist sa napaslang sa patuloy na bakbakan sa Marawi.
DZXL558

Facebook Comments