Iginiit ng MAKABAYAN sa Kamara na walang dapat ikasaya sa pagbaba ng inflation rate sa 3.8% ngayong Pebrero.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ang pagbaba ng inflation ay hindi nangangahulugan ng pagbaba ng presyo ng mga bilihin.
Giit nito, hindi ito malayo sa 3.9% inflation rate sa kaparehong buwan noong 2018 kung saan matataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Sinabi naman ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na hindi ramdam ng mga karaniwang tao ang pagbaba ng inflation dahil sa epekto ng TRAIN Law.
Apektado pa rin ng mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo at langis.
Hanggat hindi nadadagdagan ang sahod ng mga karaniwang manggagawa ay asahan na marami pang paghihirap na papasanin ang publiko ngayong taon.
Kinalampag naman ng grupo ang Korte Suprema na madaliin ang pagbaba ng desisyon at ideklarang unconstitutional ang TRAIN Law.