Gobyerno, hindi na kukunin ang kalahati ng mga bakunang binili ng pribadong sektor para sa kanilang mga empleyado

Hindi na kukunin ng gobyerno ang kalahati ng biniling bakuna ng mga pribadong sektor kasunod ng paghahanda nito sa pagpapalawig ng immunization program sa mga economic frontline workers ngayong Hunyo.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., binibigyan ng flexibility ang mga kompanya na gamitin ang lahat ng bakunang binili nila para sa kanilang mga empleyado at pamilya ng mga ito.

Sa ilalim ng COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, hinihikayat ang mga private sector na i-donate sa gobyerno ang kalahati ng bibilhin nilang bakuna sa ilalim ng multiparty agreement sa Department of Health (DOH) at foreign pharmaceutical companies.


Samantala, magkakaroon ng delay sa pagdating ng nasa 12 million doses ng bakuna para sa mga essential workers.

Sa halip na sa huling linggo ng June, sa July 14 na darating ang unang 1.17 million AstraZeneca doses na binili ng mga private sector habang ang karagdagang 1.17 million ay darating sa Agosto.

Facebook Comments