Gobyerno, hinikayat na magpatupad ng travel ban sa India

Iminungkahi ni Philippine Ambassador to the India Ramon Bagatsing Jr., sa gobyerno ang pagpapatupad ng travel ban sa India.

Ayon kay Bagatsing, mahirap kalaban ang Indian variant na “double mutant” na dahilan ng pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Aniya, ilang bansa na rin sa Silangang Asya ang nagpatupad ng travel ban sa India.


Sinabi naman ni Health Sec. Francisco Duque III na pag-uusapan pa nila ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) lalo’t hindi pa maituturing “variant of concern” ang “double mutant” variant.

Facebook Comments