Mahigit 10,000 bagong COVID recoveries sa bansa, naitala ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 10,109 na bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

Bunga nito, umaabot na sa 925,027 ang COVID total recoveries sa bansa.

Samantala, 7,204 ang bagong kaso at 63 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 1,013,618 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ay 71,675 at ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay ay 16,916.

Facebook Comments