Gobyerno maayos na napatatakbo ni Pangulong Duterte, ayon sa palasyo

Manila, Philippines – Binigyang diin ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na maayos na napapatakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Gabinete.
Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap narin ng batikos ng ilang kritiko na nagsasabing walang malinaw na sistema ang Pangulo sa pagpapatakbo ng bansa.
Ayon kay Andanar, isa ang nanumbalik na respeto ng International Community sa bansa sa mga patunay na maayos na napatatakbo at epektibo ang mga ipinatutupad na istilo ni Pangulong Duterte sa kanyang panunungkulan.
Sinabi ni Andanar na malinaw na maganda nang muli ang relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa dahil sa mahigit 35 bilyong dolyar na grant at soft loans na naiuwi ni Pangulong Duterte sa mga biyahe nito sa nakalipas na taon.

Facebook Comments