Nakatakdang makatanggap ng 500 pesos na ayuda sa loob ng dalawang buwan ang 9.3 milyong pamilya sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Bunsod nito ay sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na naglaan ang pamahalaan ng ₱9.3 bilyon para sa targeted cash transfer program.
Binanggit ni Diokno na ang mabibigyan ng ayuda ay base sa listahan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Diokno, sa kabuuan ay nasa ₱26.6 billion ang subsidiya ng gobyerno para matulungan ang vulnerable sectors sa pamamagitan ng mga programa tulad ng “Kadiwa” program, fuel discounts, at fuel subsidy sa transport sector.
Sabi ni Diokno, kasama rin dito ang pamamahagi ng pamahalaan ng ₱13.3 bilyon para sa fertilizer discounts, habang naglaan naman ng ₱1 bilyon para sa fuel discount sa mga magsasaka at mangingisda at ₱3 bilyon naman na fuel subsidy sa transport sector.