Ipinagtataka ng Department of Agriculture (DA) ang mataas pa ring presyo ng bigas sa kabila ng pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.
Naglalaro sa P35 hanggang P41 ang presyo ng kada kilo ng local rice habang P43 pataas ang imported rice.
Ayon sa mga nagtitinda, halos walang pinagbago ang presyo ng bigas simula nang naisabatas ang Rice Tariffication noong Marso.
Ayon kay DA Sec. Manny Piñol, dapat ay mas mura na ang bentahan nito dahil dagsa na ang imported rice sa bansa.
Dahil dito, maglalabas ng bagong Suggested Retail Price (SRP) sa mga local at imported commercial rice ang gobyerno.
Nangako rin ang ahensya na makakabili pa rin ang publiko ng NFA rice na P27 per kilo hanggang Setyembre.
Facebook Comments