Gobyerno, mahaharap sa problema kapag hindi naipasa ang tax reform

Manila, Philippines – Malaking problema ang kakaharapin ng pamahalaan kung hindi maipapasa ng Senado ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN) na una nang naipasa ng Kamara.

Ayon kay Appropriations Chairman Karlo Nograles, kasama na sa 2018 budget ang inaasahang kikitain sa tax reform program na P134B.

Giit into, kung hindi ito maipatutupad gaya ng inaasahan ng administrasyon ay tiyak na magkakaroon ng problema.


Inaasahan ng mga economic managers na kung anong bersyon ang ipinasa ng Mababang Kapulungan ay iyon din ang aaprubahan ng Senado.

Dagdag ni Nograles kung maging malabnaw o i-watered down ng Senado ang TRAIN ay tiyak na ang resulta nito ay mababang collection.

Sakali man ganito ang mangyari ay walang opsyon ang gobyerno kundi ang mangutang muli.

Kung manghihiram man ang gobyerno resulta ng kakapusan ng pondo dahil sa hindi naipatupad na isinusulong na tax reform program ay dapat tiyakin pa rin na ang mga proyektong gagawin sa ilalim ng tax reform ay hindi maaapektuhan tulad ng mga infrastructure projects na siyang prayoridad ng Duterte administration.

Facebook Comments