Gobyerno, marami pang dapat gawin para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga OFW

Nagpahayag ng pasasalamat sa Kuwaiti Government si House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at Kabayan Party-list Representative Ron Salo makaraang mahatulan ng pagkakulong ang pumaslang sa Overseas Filipino Workers (OFW) na si Jullebee Ranara.

Pinasalamatan din ni Salo ang ating Department of Foreign Affairs (DFA) gayundin ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pagtiyak na maigagawad ang hustisya para kay Ranara na pinatay ng anak ng kanyang amo sa Kuwait noong January 2023.

Para kay Salo, hatid nito ang malinaw na mensahe na tiyak mapaparusahan ang sinumang gagawa ng krimen o kasamaan sa mga Filipino migrant worker.


Gayunpaman, iginiit ni Salo na maraming pang dapat gawin ang gobyerno, katuwang ang international community, para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga mangagawang Pilipino sa ibayong-dagat.

Diin ni Salo ang mapait na sinapit ni Ranara ay paalala kung gaano katindi ang mga pagsubok na hinaharap ng gma Overseas Filipino Workers sa kanilang paghahanap ng magandang oportunidad sa labas ng bansa.

Facebook Comments