Gobyerno, naghahanap na ng vaccine manufacturer para sa pagtatayo ng planta ng bakuna

Naghahanap na ng vaccine manufacturer ang gobyerno na magiging katuwang sa pagtatayo ng planta ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, target ng pamahalaan na masimula ang proyekto ngayong taon para hindi na mahirapan ang bansa sa pag-aangkat ng mga bakuna.

Sakaling maitayo na ang planta, gagawin dito ang fill and finish process kung saan kukunin ang active ingredients ng ginawa ng ibang bansa atsaka ilalagay sa mga vials at syringe sa Pilipinas.


Facebook Comments