Ulat na nakabili ang DOH ng testing kits na malapit nang ma-expire, dinipensahan ng FDA

135

Dumipensa ang Food and Drug Administration (FDA) sa ulat na nakabili ang Department of Health (DOH) ng testing kits na malapit nang ma-expire.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, lahat ng testing kits na nasa merkado ay anim na buwan lamang ang shelf life o itatagal nito.


Habang giit pa ni Domingo, bagong teknolohiya ang testing kits kaya makikita kung gaano katagal ang bisa nito habang tumatagal sa paggamit.

Matatandaang sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, aabot sa 7,925 COVID-19 test kits na binili ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) sa Pharmally Pharmaceutical Corporations ang nasayang dahil na-expire na agad.

Facebook Comments