Gobyerno, naglaan nang 500 milyong pisong pondo bilang quick response funds dahil sa pananalasa ng Bagyong Betty

Aabot sa halagang 500 milyong piso ang pondong inilaan ng gobyerno bilang quick response funds o QRF na magagamit sa relief operations dahil sa pananalasa ng Typhoon Betty.

Sa ulat ng Presidential Communication Office (PCO), ang pondong inilaan ay mula sa natirang QRF nang nakaraang taon na halagang 244.7 milyong piso at 256.2 milyong pisong QRF para ngayong taon.

Bukod dito, may inihanda rin na ₱108.2 milyon na halaga ng non-food items na makatutulong sa mga apektadong pamilya.


Ang mga datos na ito ay mula sa monitoring ng Office of Civil Defense (OCD) na ipinadala sa PCO.

Una nang nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa OCD at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na magsagawa nang mahigpit na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan para tiyaking nakahanda ang lahat ng resources na kakailanganin sa mga lugar na maaapektuhan ng Bagyong Betty.

Facebook Comments