Dagdag na tauhan, ipinakalat ng PNP sa Marogong, Lanao del Sur kasunod ng bantang pananakop ng teroristang grupo na Dawlah Islamiyah

Ipinag-utos ni Philippine National Police Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., sa Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region na tiyakin ang seguridad ng mga taga-Marogong, Lanao del Sur.

Ito’y kasunod narin ng tangkang pagkubkob ng terroristang Dawlah Islamiyah sa nasabing lugar nitong Linggo.

Ayon kay Acorda, patuloy nilang tinututukan ang nasabing lugar at nakikipag-ugnayan sa kanilang counterpart na Armed Forces of the Philippines (AFP).


Ani Acorda, nagdagdag na sila ng tropa mula sa Provincial Mobile Force Company ng Lanao del Sur para bantayan ang lugar at mapigilan ang anumang tangkang pag-atake ng mga terrorista.

Sa ngayon, unti-unti nang nagsisiuwi ang mga nagsilikas na pamilya matapos itong postehan ng mga pulis at mga sundalo.

Facebook Comments