Ginagawa ng gobyerno ang lahat para paghandaan ang malalakas na paglindol na maaaring maramdaman sa bansa sa hinaharap.
Ayon kay Climate Change Commission Commissioner Robert Borje sa pangunguna ng National Disaster Risk Deduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense ay naglalatag na ng mga hakbang upang maging handa ang bansa.
Ayon kay Borje, mayroong mga pag-aaral na nagsasabing may pangangailangan talagang alamin kung ano ang mga dapat gawin ng gobyerno lalo na sa Metro Manila sakaling tumama ang malakas na lindol.
Kaugnay nito, sinabi ni Borje na maliban sa lindol, may pangangailangan na rin aniyang paghandaan maging ang malakas na bagyo o kalamidad, sakuna at panganib na dala ng climate change, para handa ang lahat anuman ang mangyari.