Government financial institutions na naghahayag ng suporta sa pabahay ng gobyerno, dumarami

Dumami pa ang government financial institutions na magbibigay ng pondo para sa pambansang pabahay program ng pamahalaan.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) USec. Avelino Tolentino na magbibigay din ang SSS, LandBank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP).

Umaasa naman ni Tolentino na magkakaloob din ng developmental loans ang iba pang government financial institutions bilang suporta sa housing program.


Sa kasalukuyan, kabuuang 28 lokal na pamahalaan ang pumirma na ng memorandum of understanding para sa programa.

Facebook Comments