Gobyerno, nagpaalala sa mga employer na hindi pa rin nagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado

Hinikayat ng Department of Labor and Employment o DOLE ang mga empleyadong dapat na makatanggap ng kanilang 13th month pay pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakakubra ng nasabing benepisyo mula sa kanilang employer na magtungo sa kanilang tanggapan.

Ang panawagan ay ginawa ni Atty. Alvin Curada, Director IV ng DOLE-Bureau of Working Condition sa Laging Handa public briefing.

Paalala ni Curada sa mga employer, ang pagbabayad ng 13th month pay ay hindi na dapat pang lumagpas ng December 24.


Ibig sabihin, hindi na dapat pang abutin ng Pasko o December 25 ang pagbabayad ng mga may- ari ng kumpanya sa 13th month pay ng kanilang mga trabahante.

Ayon pa kay Curada, dapat din daw itong iulat ng mga employer sa online portal bago ang January 15, 2023.

Maaari aniyang magparating ng sumbong hinggil sa anomang complaint laban sa isang employer kasama na ang hindi pa din pagre-release ng 13th month sa DOLE central office o hindi kaya ay sa regional offices kasabay ng pagtiyak na magkakaroon sila ng imbestigasyon patungkol sa anumang sumbong.

Facebook Comments